Una sa Balita

P900M tokhang budget kanino ibibigay?

By
0 3

Ibigay na lamang sa mga mahihirap ang P900 milyong pondo para sa Oplan Tokhang ng Phili­ppine National Police (PNP) dahil hindi na ito ang pangunahing law enforcement agency sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iminungkahi ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna at Lito Atienza ng Buhay party-list matapos alisin sa PNP ang giyera kontra ilegal na droga at ibinigay ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“It would be better if the budget is rechanneled to social services, like budget for public hospitals and housing for the poor,” ayon kay Zarate.

Pero, sinabi naman ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na puwedeng ibigay na lamang sa PDEA ang tokhang budget ng PNP dahil nararapat aniyang tiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may hustong pondo ang ahensya sa war on drugs.

“Kailangan ‘yan kundi kawawa naman ‘yung mga PDEA officers. They’ll be undermanned, underequipped, and they will fail.

‘Pag hindi nagawa ang trabaho, babalik na naman tayo sa pulis. Ayaw na ng tao sa pulis,” ayon kay Atienza.