Una sa Balita

P9.1M shabu nasabat sa Cebu

0 233

UMAABOT sa P9.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa apat na tulak sa ikinasang drug bust operation sa Sitio Viking, Barangay Mambaling, Cebu City, Biyernes nang madaling-araw.

Ayon kay Cebu City Police Office (CCPO) Director Gemma Vinluan, nakilala ang naarestong sina Benerando Gemperoso Jr., 27; Joven Gemperoso, 29; Beverlyn Gemperoso Medina, 26; at Regie Medina, 29, pa­wang inaresto ng mga operatiba ng Labangon Police, City Drug Enforcement Unit at City Intelligence Branch.

Nabatid na si Gemperoso ang target na nasa listahan ng unified drug watchlist sa Central Visayas habang ang tatlo pa ay nahuli sa loob ng bahay nito na pawang mga kilalang tulak kung saan doon nagaganap ang kanilang transaksyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 53 large packs o nasa 1.3 kilo ng shabu.(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy