Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P8M shabu nasamsam sa BARMM

0 56

Aabot sa P8.1 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa sunod-sunod na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Maguindanao at Tawi-Tawi, kamakalawa.

Sa unang operasyon na isinagawa sa Brgy. Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi, timbog ang mag-asawa at isa pang lalaki kung saan nasabat ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu. Tinatayang P4,760,000 ang halaga ng drogang nakumpiska sa kanila.

Kinilala ang mga drug suspect na sina Hassan Anggie Hawaan, 30; Mannan Nusuri Muhadi, 48; at Mudzna Anggie Hawaan, 42.

Isinunod naman ang sa Midsayap, Datu Piang, Maguindanao, kung saan may tatlong lalaki ang nakuhanan ng 10 sachet ng shabu.

Aabot naman sa P3.4 na milyong halaga ng hinihinalang shabu na nasa kalahating kilo ang bigat ang nakuha. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.