Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P88M shabu buking sa Cavite

0 95

Abot sa 13 kilo o mahigit P88M ang halaga ng shabu na kumpiskado sa isinagawang operasyon kung saan inaresto ang tatlong katao Sa Bacoor City, Cavite, Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Bino Sampaco, Mira-Ato Macarampat y Didatoon, at Javier Mala, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy. Mambog ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Estaris ng PNP Drug Enforcement Group, isinagawa ang joint operation kasama ang Bacoor City PNP laban sa mga suspek na pawang mga big-time na tulak may operasyon sa naturang lalawigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dakong alas-12:00 ng tanghali nang isinagawa ang buybust operation laban kina Sampaco at Mala sa Brgy. Molino kung saan isang poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang limang kilo ng shabu na may halagang P34 milyon na nakabalot sa plastic tea bag gayundin ang P4 na milyon boodle money.

Kumanta naman ang mga at tinuro ang imbakan ng shabu kaya’t nadakip si Macarampat at nasamsam ang tinatayang nasa walong kilo ng shabu na may halagang P54.4M. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.