Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P88K shabu nasabat sa 3 tropa

0 60

Nalambat ng Marikina Police ang tatlong magtotropa matapos makipagtransaksyon sa bentahan ng shabu at makuhanan ng 13 gramo ng droga na nagkakahalagang P88K kamakalawa ng gabi sa Barangay Barangka, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Chester Cruz y Brilliante, 41, kabilang sa drug watch list; Isabel Bautista; 33, at Miguel Enrico Bautista y Devilla, 41.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), inaresto ang mga suspek sa Chorillo St. Barangay Barangka, sa buy bust operation ng SDEU kasama ang RMFB 2nd MFC Company matapos makipagtransaksyon kay Cruz.

Agad hinuli si Cruz kasama ang dalawa pa at nakuhanan ng 7 sachet ng shabu na P88,000.00; coin purse at P500 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.