Una sa Balita

P83M Lotto 6/42 jackpot nasilat ng Dabawenyo 

0 1,001
 
 
NADALE ng nag-iisang winner na taga-Mati, Davao Oriental ang jackpot prize na P83 milyon ng Lotto 6/42 na binola noong Sabado.
 
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, nag-iisang manana­ya na taga-Mati ang nakatumpak sa six digit winning combination na 06-34-40-10-32-02 na may jackpot prize na P83,564,210.00.
 
Nabili ng nag-­iisang winner ang tiket sa isang lotto outlet sa coastal Mati’s Baywalk sa Quezon Street, Davao Oriental.
 
Mayroon namang 39 winner na nakakuha ng five-digit combination sa premyong P25,000 bawat isa.
Ang regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. (Vick Aquino)