Una sa Balita

P833 Pantawid Pasada ‘go’ na

By
0 1,367

Magsisimulang magpamudmod nga­yong araw ang pamahalaan ng P833 buwanang ayuda sa mga jeepney driver para maibsan ang pabigat ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, ang ayuda ay ang tinatawag na Pantawid Pasada Program na isang ‘social mitigating measure’ para hindi mahirapan ang mga jeepney driver pagka­tapos magpataw ang pamahalaan ng excise tax sa petrolyo.

Ayon kay Diokno, pla­no ng pamahalaan na magpamudmod ng fuel subsidy sa lahat ng mga public utility jeeps na may prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa loob ng dalawang taon. Ayon kay Diokno, may 179,852 na jeep ang may prangkisa sa LTFRB.

Abante Hiring – IT dep

Ang P833 buwanang ayuda na magsisimula ngayon ay ang unang tranche ng ayuda kung saan gagastos ang pamahalaan ng P977 mil­yon hanggang sa Dis­yembre. Ang budget para sa isang unit ay P5,000 ngayong taon na ibibigay sa loob ng anim na buwan kaya P833 ang makukuha ng bawat unit sa isang buwan.

Sabi ni Diokno, ang second tranche ay para sa susunod na taon na aabot sa P3.96 bilyon at itataas ang buwanang ayuda sa P1,710 kada jeep.

Nakiusap naman si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga jeepney operator na hu­­wag nang humingi ng taas ng pasahe dahil malaking tulong na ang ayudang ibibigay ng pamahalaan.

Ang ayuda ay ida­daan sa debit card na iisyu ng Land Bank of the Philippines.