Una sa Balita

P80M nakumpiskang pekeng bag, gamot winasak

0 447

UMAABOT sa P80.2 milyon halaga ng mga pekeng produkto ang winasak sa Philippine National Police (PNP) headquarters Camp Crame kahapon.

Pinangunahan ni PNP officer in charge Police Lt. Col. Archie Gamboa, Department of Trade and Industry Under Secretary Ted Pascua, Intellectual Property Rights Director General Josephine Santiago at iba pang opis­yal ang dumalo sa isinagawang seremonya.

Tatlong heavy equipment mula sa Department of Public Works and Highway ang sumira sa nasabing produkto na kinabibilangan ng mga pekeng signature bag, luggage, sabon, lotion, cutting blade, seasoning mix at piniratang DVD ng local at foreign film sa grandstand ng PNP.

Sa nabatid na halaga ng mga pekeng produkto, mahigit P58 milyon sa mga ito ay nakumpiska ng Bureau of Customs, P7 milyon halaga ng DVD mula sa Optical Media Board, P1 mil­yon pekeng pharmaceutical product na nakumpiska ng Food and Drug Admi­nistration at iba pa. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy