Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P800K shabu nasamsam sa 3 tulak

0 257

Tatlong mga drug pusher ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit sa P800,000 halaga ng shabu, sa magkakahiwalay na drug operation sa Valenzuela, Caloocan at Navotas City kamakalawa.

Pasado alas-4:30 ng hapon, nahuli ng Valenzuela Police si Ryan Catayna, 37, sa kahabaan ng Elysian Street, Brgy. Marulas. Nasa 75 gramo ng shabu na may market value na P510,000; isang unit ng motorsiklo; at 15 pirasong P1,000 bill ang nakuha sa suspek.

Sa Brgy. 188, Tala, Caloocan City naman timbog si Jomel Pineda, 42, tricycle driver, alas-2:30 ng madaling-araw. Dalawang pulis ang nagkunwaring buyer ng shabu at matapos ang abutan, inaresto na si Pineda. Nasamsam sa kanya ang 15 gramo ng shabu na may standard value na P102,000.

Kalaboso din sa operasyon si alyas ‘Ronnie Kalbo’, 50, sa Road 10, Brgy. NBBN, Navotas City, alas-11:00 ng hatinggabi. Nasamsam sa suspek ang 17 gramo ng shabu na may market value na P200,000.

Kinasuhan ang tatlong suspek ng paglabaag sa RA 9165 o Comprehensive Dangeros Drugs Act at walang piyansang inerekomenda ang piskalya para sa pansamantala nilang paglaya. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.