Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P8.9M smuggled yosi nasamsam sa GenSan

0 541

Kinumpiska ng mga awtoridad ang P8.9 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at inaresto ang isang Chinese national sa Oringo Subdivision sa Barangay City Heights, General Santos City.

Huli ang target na si Zai Tian Shi sa operasyon na ginawa noong Lunes ng gabi. Umiskor ang poseur buyer ng limang ream ng sigarilyo na isang Indonesian brand, sa halagang P3,000. Dito na inaresto ang suspek nang makumpirma ang iligal na aktibidad nito.

Nakita rin sa bahay niya ang 271 kahon ng smuggled at pekeng sigarilyo, P513,000 cash, at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Dumepensya naman ang Chinese at sinabing, iniwan lang umano ng kanyang kaibigan ang mga kahon at nagbilin na hintayin na lang ang pagdating ng bibili ng mga sigarilyo. Pero isang linggo na, wala pang dumadating hanggang sa na test-buy na siya ng mga pulis.

Napagalaman ng pulis na pagbebenta ng cellphone ang pinagkakanitaan ng negosyante na sampung taon na namamalagi sa bansa. Iimbestigahan din kung sino ang sinasabing kaibigan nito na nag-iwan sa kanya ng kahong-kahong smuggled na sigarilyo.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.