Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P7M ni lola nilimas ng Budol-budol gang

0 347

Nawalang parang bula ang P7 milyong piso na pinaghirapang ipunin ng 92-anyos na taga-Balagtas, Bulacan nang mabiktima ng Budol-budol Gang.

Sa entrapment operation, nadakip sa isang bangko ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, matapos nitong tanggapin ang pera ng biktimang si Remedios Buizon na nag-withdraw.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakilala ang suspek, kasama ang mga kasabwat nito at ang biktima makaraang magbenta si Jitula ng appliance kay Buizon noong nakaraang buwan. Nakipagkaibigan umano ang grupo kay Buizon at inalok na mag-invest sa home appliance.

Dito na kinumbinse pa ang lola hanggang sa matangay ang pera nito na kanyang inipon sa higit 30 taon na pagtatrabaho sa Amerika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.