Una sa Balita

P79M cocaine sa Isabela kakalkalin ng Kamara

By
0 1,920

Iimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P79M halaga ng cocaine na natagpuan sa karagatan ng Isabela.

Pangungunahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagsisiyasat ngayong araw.

Sinasabing ang P79.136 halaga ng cocaine ay nahuling ibina­baba sa daungan ng Isabela nitong Pebrero 5, ng kasalukuyang taon.

Ang kalkalan ay alinsunod sa House Resolution No. 1674 na inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Posibleng may kinalaman ang foreign drug syndicates ayon kay Barbers sa pagpapalusot ng cocaine.

Batay kay Barbers, ginagamit ng mga drug syndicate ang baybayin ng Pilipinas upang maibiyahe sa iba’t ibang lugar ang kanilang kontrabando.

Sa mga pagkakataon aniya na nalalagay sa ala­nganin ang mga smuggler ay napipilitang itapon ng mga ito ang mga kontrabando sa karagatan ng Pilipinas na kadalasang natatagpuan ng mga ma­ngingisda sa laot.

Gayunpaman, tila tutulog-tulog aniya sa pansitan ang mga kinauukulang ahensya na dapat sana ay matamang nagbabantay para hindi makalusot ang iligal na droga.