Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P776K naharang ng Customs sa FedEx

0 322

RP

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang $15,700 US dollars o nagkakahalaga ng P776,000 sa warehouse ng FedEx sa Pasay City nitong Biyernes.

Ayon sa Customs, dineklarang ‘personal document’ ang pera mula Durham, USA para mailusot sa bansa, ngunit nabigo matapos itong matuklasan sa pamamagitan ng x-ray scan at physical examination sa nasabing padala.

Hinahanda na ng BOC ang forfeiture para sa libong salapi dahil sa paglabag sa Section 1400 at 1113 ng R.A. No. 10863 na may kaugnayan sa New Central Bank Act at BSP Foreign Exchange Transaction Manual.

Samantala, nagbabala ang BOC NAIA sa mga indibiduwal na magtatangka na mag-smuggle ng pea sa Pilipinas, na mahigpit na tinututukan ng ahensya.

“Money entering the country illegaly and without proper declaration are often used as resources to finance illegal and unlawful activities. The BOC is steadfast in its commitment to protect the nations borders from prohibited goods and resources,” saad sa pahayag ng Customs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.