Una sa Balita

P75M ari-arian naabo

By
0 4

Tinatayang aabot sa P75-milyong piso na hala­ga ng mga paninda at ari-arian ang nilamon ng apoy nang sumiklab ang isang malaking sunog na hinihinalang sinadya malapit sa pamilihang-bayan ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na report ng pulisya, nilamon ng apoy ang malalaking tindahan ng mga appliances, cellphones at gadget gayundin ang mga tindahan ng mga damit na nakadikit sa Sta. Maria Public Market sa Brgy. Poblacion na umabot sa ikatlong alarma bago naapula ngunit wala namang iniulat na nasawi o nasugatan.

Pasado alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa magkakatabing tindahan sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria at mabilis itong kumalat sa mga katabing tindahan at dahil sa lakas ng apoy ay kinakailangan pa itong apulain ng mahigit sampung fire-trucks na ga­ling mula sa kalapit-siyudad at bayan.