Una sa Balita

P740M pekeng damit, makeup nakumpiska ng BOC

0 235

AABOT sa P740 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasay City.

Unang pinasok ng BOC ang bodega na matatagpuan sa Baclaran, Pasay City matapos makatanggap ng tip na naglalaman ito ng pekeng produkto na binibenta sa mga pamilihan.

Ilan sa mga nakumpiska ang mga pekeng brand ng sapatos, damit, cosmetics, laruan at cellphone accessory dahil sa paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at Section 118 (f) ng RA 10863, o mas kilala sa Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Sa isinagawa namang follow up ope­ration sa bodega na matatagpuan sa kahabaan ng Sta. Cruz, Maynila City nadiskubre ang mga puslit at hindi rehistradong produktong medikal.

Ang nasabing operasyon ay resulta umano ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Intellectual Property Rights Division at Customs Intelligence and Investigation Service at Armed Forces of the Philippines. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy