Una sa Balita

P735B Bulacan airport solusyon sa NAIA traffic; lilikha ng 1M hanapbuhay

0 507

Giniit ng San Miguel Corporation (SMC), pag-aari ng negosyan­teng si Ramon Ang, na mga Pilipino ang makikinabang at magi­ginhawaan sa gagawing P735 bilyong Bulacan International Airport na proyekto nito.

“The New Manila International Airport (NMIA) is to be our biggest contribution thus far to solving a problem that has long held back progress, growth, and prosperity for our country. It is a 100% Filipino project, to be funded and built by a Filipino company, San Miguel Corporation,” ayon sa statement ng kompanya.

Ayon pa sa SMC, makatutulong ang nasabing proyekto para sa pagpapaluwag ng mga kalsada sa Metro Manila. Siniguro rin nito na dinesenyo ang paliparan na nakaayon sa kalikasan at matatag laban sa anumang kalamidad.

Tiniyak pa ng kompanya na makapagbibigay ng mas magandang opurtunidad sa kabuhayan ng mga residente ng Bulacan ang nasabing proyekto.

Dagdag pa nito, mapapalakas din ng proyekto ang lokal na ekonomiya dahil sa pagpasok ng bilyong investment sa Bulacan. Gayundin, makapagbibigay din umano ito ng milyong trabaho sa Luzon at mas magandang opurtunidad sa kabuhayan.

“With a major international airport at their doorstep, fisherfolk, micro entrepreneurs, and local businesses will have a huge, ready market for their products, and even a means to ship them to other pro­vinces or export them,” dagdag pa ng SMC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy