Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P70M nasabat sa big time shabu supplier

0 266

Arestado ang isang notoryus drug dealer habang nasa 10 kilo ng pinaniniwalaang shabu na halos P70 milyon ang halaga ang nasamsam dito sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) Martes ng gabi sa Dasmarinas, Cavite.

Kinilala ni PNP chief General Debold Sinas ang nadakip na suspek na si Michael Lucas alyas Boy Muslim, miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR), karatig lalawigan hanggang sa Mindanao.

Ayon kay Sinas, nadakip ang suspek matapos ang buy bust operation ng PDEG na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Remus Medina alas-10:00 ng gabi nitong Martes sa Block 25, Lot 12, Moab St., Town and Country Homes Subdivision, Dasmarinas, Cavite.

Bukod sa shabu na may street value na P680,000 ay nakumpiska rin ang 3 digital scale, mga IDs, buy bust money at cellphone.

Dagdag pa ni Sinas na galing ang supply ng iligal na droga ng suspek sa isang Chinese drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kaya rin umano ng suspek na magpakalat ng 10-15 kilo ng shabu sa ibat-ibang lugar kada linggo.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa PDEG detention cell. (Edwin Balasa/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.