Una sa Balita

P700K liquid marijuana kinumpiska sa NAIA

0 299

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may 330 cartridge ng liquid marijuana sa iba’t ibang customs ­bonded warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay NAIA ­customs collector ­Carmelita Talusan, ang 330 cartridge ng liquid marijuana ay ­nadiskubre ng mga opisyal ng BOC makaraang mag-inspeksiyon para maprotektahan at masawata ang pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa.

Ang liquid ­marijuana na may street value ng P700,000 ay naka-imbak sa collector’s coral for safe keeping bago ito iprenesinta sa media kahapon.

Sinabi pa ni ­Talusan na ang importasyon ng ‘Hempseed’ at ‘Cannabidoil’ ay iligal at ito ay kukumpiskahin ng BOC dahil paglabag sa RA 9156 o ­Comprehensive Dangerous Drug Act at RA 10863 o ang ­Customs Modernization and Tariff Act. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More