Una sa Balita

P700B nawawala sa gobyerno dahil sa korapsyon — deputy ombudsman

0 3,541

NAWAWALAN umano ang Pilipinas ng may P700 bilyon dahil sa korapsyon kada taon.

Ayon kay Deputy Ombudsman Cyril Ramos, ang nabanggit na halaga ay katumbas umano ng 20% ng kabuuang budget ng bansa kada taon.

Nabatid kay Ramos na nasa ika-6 na puwesto ang Pilipinas sa pinaka-corrupt sa mga bansa sa Asia Pacific.

“We need to keep reminding ourselves how destructive corruption is, especially for developing countries like ours,” ayon kay Ramos sa ginanap na Summit on Crime Prevention ng National Police Commission (Napolcom).

Ayon kay Ramos, ang nabanggit na halaga ay maaari sanang magamit para sa may 1.4 mil­yong pabahay sa mga mahihirap, medical assistance para sa may 7 milyong Pilipino o para sa rice buffer stock na tatagal ng hangang isang taon.

“With that amount, no Filipino would get hungry,” dagdag pa ni Ramos.

Nabatid na ang summit ay dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang government agency at mga community sector na may layunin na makabuo ng mga epektibong stratehiya para labanan ang krimen at korapsyon.

Sinabi ni Napolcom vice chairman and executive officer Rogelio Casurao, ang resulta ng summit ay makakatulong para makabuo ng framework sa crime prevention sa nalalabi pang tatlong taon ng administrasyong Duterte.

“The ultimate goal is peace and order thru intensifying anti-crime initiatives,” ani Casurao.

Ayon kay Casurao, ang illegal drugs, robbery at theft pa rin ang nangungunang krimen sa bansa.

Habang ang kawalan ng koo­perasyon at koordinasyon, limi­tadong resources, pondo at kakulangan ng mga prosecutor ang nanatiling pinakaproblema ng bansa.

Sinabi naman ni Atty. Raul Villanueva, deputy court administrator ng Supreme Court, 85 porsyento ng kaso sa bansa ay tungkol sa krimen at ang patuloy na trial guidelines at plea bargaining framework ay nakakatulong para maibaba ang bilang ng kaso.(Juliet de Loza-Cudia/Allan Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More