Una sa Balita

P6M marijuana plantation buking sa Ilocos

0 383

BINUNOT at sinira ng awtoridad ang mahi­git P6 milyong halaga ng marijuana plantation na matatapuan sa bounda­ry ng Sugpo, Ilocos Sur at Benguet noong Martes.

Ayon kay Sugpon Municipal Police Station (SMPS) comman­der P/Lt. Jerry Arzabal, bago ang raid, nakatanggap umano ang kanyang tanggapan na mayroong marijuana plantation sa bundok sa pagitan ng dalawang bayan.

Sinabi ni Arzabal, pagkatapos matanggap ang nasabing impormasyon, agad na nagsagawa ng anti-illegal drug operation unit ang SMPS at pinuntahan ang na­sabing lugar ang daang-daang full grown marijuana plant.

Natagpuan din sa lugar ang mahigit 13 kilo ng pinatuyong mari­juana kasama ang higit 1,000 buto nito.

Sinabi ni Arzabal, may kahirapan akya­tin ang nasabing bundok kung saan nakatanim ang marijuana dahil sa 8-10 oras na aakyatin kung kaya’t dito nila napiling magtanim. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy