Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P6M alahas narekober sa nasunog na mall

0 207

Nasa P6 milyong halaga ng alahas ang narekober ng Bureau of Fire Protection (BFP) habang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa tumamang sunog sa Gaisano Grand Mall sa Antique noong June 20.

“We found the jewelry during our final post-fire scene assessment and investigation,” lahad ni Fire Supt. Romeo Pepito Jr., ng Fire Investigation Group ng BFP Manila, sa isang ulat.

Naibalik na sa mga may-ari ang 1,958 piraso ng alahas na narekober.

Nagtungo sa San Jose de Buenavista ang BFP team mula sa Maynila upang magsagawa ng pagsisiyasat sa Antique mall fire.

Maaari umanong mailabas sa isang buwan o higit pa ang resulta ng kanilang imbestigasyon. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.