Una sa Balita

P68M Super Lotto jackpot nakopo ng mananaya sa Angono

By
0 320

SOLONG napanalunan ng isang mananaya mula sa Angono, Rizal ang ­Super Lotto 6/49 jackpot na binola kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakuha ng nasabing mananaya ang Super Lotto 6/49 winning combination na 26-24-15-14-18-13 na may jackpot prize na P68,415,891.

Napag-alaman pa sa PCSO na ­tumaya ang winning bettor sa lotto outlet sa kahabaan ng M.L. Quezon Ave­nue sa Guido Compound sa Bara­ngay San Pedro ng nabatid na bayan.

Samantala, mayroon ding 21 mananaya ang nag-uwi ng tig-P40,360 matapos makuha ang lima sa anim na winning number combination.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola kada araw ng Martes, Huwebes at Linggo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy