Una sa Balita

P68M shabu nasamsam sa Pasay

0 205

SAMPUNG kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon ang nasabat habang dalawang katao ang arestado sa buy-bust operation sa isang bus terminal sa Pasay City, Sabado nang gabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mia Bianca Churez, 22-anyos, dalaga, ukay-ukay vendor, residente ng Malibay, Pasay City at Dave Tajores Realin, 21, ng Trece Martirez, Cavite.

Nakuha sa kanila ang iligal na droga na nakalagay sa isang Chinese tea bag.
Isinagawa ang operas­yon na pinangunahan ni P/Maj. Major Rodel Rosario, kasama ang mga tauhan ng Malibay Police Community Precinct laban sa mga suspek dakong alas-8:30 nang gabi sa Philtranco Bus Terminal na matatagpuan sa kahabaan ng Apelo Cruz St., kanto ng EDSA, sakop ng Barangay 151 Malibay ng lungsod na ito.

Matapos na makapagbigay ng ha­lagang P800,000 na boodle money ang ope­ratiba sa mga suspek kapalit ng shabu ay agad na dinakma ang mga ito ng pulisya at nakumpiska sa mga ito ang nasabing dami ng shabu.

Sa ngayon ay dinala sa Camp Crame ang mga suspek at ang nakumpiskang shabu para sa tamang disposisyon habang patuloy na iniimbestigahan kung saan nagmula ang bultong shabu na hawak ng mga ito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More