Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P68M shabu nasamsam sa drug bust

0 97

Umaabot sa 10 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon ang nasamsam ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa ginawang pagsalakay sa isang apartment sa Angeles City, Pampanga noong Linggo ng hapon.

Gayunman, posibleng natunugan umano ng limang suspek na pulis ang katransaksiyon nila kaya walang nadatnan ang mga awtoridad nang lumusob sila sa tinutuluyan ng mga ito sa Unit G, BEG Apartment, Mt. View Subd., sa Brgy. Bali­bago, Angeles City, Pampanga bandang alas-2:30 ng hapon.

Sa halip, bumulaga sa mga awtoridad ang 10 pakete ng Chinese teabag na naglalaman ng tig-isang kilo ng shabu at mga drug paraphernalia. Naiwan din ang kanilang sasakyan na itim na Toyota Altis na may plakang ZBF 850.

Sa report na ipinadala ni PBGen. Randy Peralta, director ng PDEG, kinilala ang isa sa mga suspek na si Brenelyn Rinos Urgel, kasama ang dalawang babae at da­lawa pang lalaki. Kilala umanong supplier ng ilegal na droga ang mga suspek sa Region 3 at Metro Manila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.