Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P680k shabu nasamsam sa 3 tulak

0 92

Aabot sa P680,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska ng Manila Police District (MPD) mula sa tatlong hinihinalang tulak ng iligal na shabu sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw.

Timbog ang mga suspek na sina Aldrin Florano, 21; El Jerricho Osorio, 33; at si Eloisa Reyes, 48.

Ayon sa pulisya, ikinasa ang buy-bust operation alas-dos ng madaling-araw sa Oroqueta St., Sta. Cruz

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang makabili ng shabu kay Florano ay kaagad itong inaresto at dalawa nitong kasamahan, ng mga nakaabang na pulis.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutors’ Office ang mga suapek. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.