Una sa Balita

P67M Vietnam rice nasamsam sa Zamboanga

By
0 5,794

UMAABOT sa kabuuang halaga na P67 milyon ng mga puslit na bigas mula sa Vietnam ang nasabat ng Naval Task Force 61 sa Olutanga Island, Zamboanga Sibugay.

Batay sa ulat ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces na nakabase sa Western Mindanao,­ isang Mongolian-flagged cargo ship ang nasabat ng mga tauhan ng Naval Task Force 61 habang nagdidiskarga ng mahigit 27,000 sako ng bigas o nasa 1,359 metriko tonelada ng Vietnam rice, sa natu­rang lugar.

Nabatid pa na nasa 7,000 hanggang 8,000 na ng mga sako ng puslit na bigas ang dinis­karga ng nasabing barko sa pamamagitan ng dalawang motor vessels na parehong nakatakas matapos duma­ting ang Navy ship.

Bukod sa mga nasamsam na bigas ay naaresto rin ng mga awtoridad ang may 51 Filipino at 12 mga dayuhang crew ng nasabat na barko.