Una sa Balita

P665M budget ni VP Leni lusot ng 1 minuto

0 380

TUMAGAL lamang ng isang minuto ang pag-apruba ng Senado sa panukalang P664.8 mil­yong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2020.

Wala kahit isang senador ang kumuwestiyon nang iprisinta ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee ang panukalang pondo ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Senate Major Leader Juan Zubiri, walang senador ang nagparehistro para mag-interpellate sa panukalang pondo ng OVP.

Dahil dito, itinulak ni Zubiri na isumite at aprubahan ang pondo ng naturang tanggapan.

Nasa session hall si Robredo nang apruba­han ng Senado ang budget proposal ng OVP.

Nagpasalamat naman si Robredo sa mabilis na pag-apruba ng budget ng kanyang tanggapan.

“Parati namang may expectation na ganon everytime na may budget hearing pero nagpapasalamat tayo na hindi naman nahirapan ‘yung pag-approve nu’ng budget,” pahayag ni Robredo sa mga reporter kahapon. (Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy