Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P62M plantasyon ng marijuana winasak

0 114

Halos P62 milyong halaga ng marijuana plantation ang sinira ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kalinga.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office (KPPO), kasama nila ang PDEA-Cordillera na nagsagawa ng clearing operation sa Tinglayan sa nasabing lalawigan simula noong Hunyo 24 hanggang 26.

Binunot at winasak ng mga awtoridad ang tinatayang 310,000 na halamang marijuana na nakatanim sa 26,000 metro kuwadwadong lupa sa lugar.

Nauna rito’y nakatanggap ng report ang pulisya na may ilang libong tanim na marijuana ang pinagyayaman sa lugar para ikalat at ibenta.

Walang naabutang suspek sa lugar pero nagbanta ang pulisya at PDEA na bantay-sarado na nila ito habang patuloy ang kanilang operasyon laban sa iba pang ginagawang marijuana plantation. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.