Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P629B budget ng DepEd pasado sa Senado

0 38

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon na ina­prubahan ng Senado ang panukalang budget nito para sa 2022 na nagkakahalagang P629 bilyon.

Batay sa 2022 budget ng DepEd na ina­prubahan ng Senado noong Lunes, Nobyembre 22, ang naturang pondo ay 6% na mas mataas kumpara sa P595 bilyong budget ng kagawaran ngayong 2021 para suportahan ang pagpapalawak ng ligtas na face-to-face classes.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Education Secretary Leonor Briones sa Senado dahil kinilala aniya ng mga mambabatas ang panga­ngailangan ng DepEd para sa mga programa nito na nakatutok sa pagbangon ng edukas­yon sa bansa.

Ayon sa DepEd, sa ilalim ng 2022 budget ay tumaas ang alokasyon para sa mga malalaking programa ng kagawaran katulad ng computerization program at government assistance and subsidy kasama ang senior high school voucher program.

Ipinahayag pa ng DepEd na naglaan sila ng P358 milyon para sa bagong likhang programa na tinatawag na Priority School Health Facilities bilang tugon sa pandemya ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.