Una sa Balita

P600K hinarurot ni Union Bell

0 343

NAG-UWI ng P600,000 ang owner ng kabayong si Union Bell matapos magwagi sa unang yugto ng 2019 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite nitong Linggo.

Sa ekspertong pagmamaniubra ni star jockey JB Hernandez, si Union Bell (sire Union Rags, USA; dam Tocqueville, ARG) ay umatake sa huling 200 metro sa maikling 1,200-meter race at bumulusok sa finish line taglay ang limang kabayong panalo.

Pumangalawa si Make Some Noise (jockey RO Niu Jr.) at pangatlo naman si Lucky Savings (jockey AR Villegas) sa stakes race kung saan ang pinakamagagaling na two-year-old na kabayo sa bansa ay nagtagisan ng galing.

“Okay naman ‘yung alis namin, maganda, segundo puwesto kaagad. Doon pa lang sa tres octavo, alam ko matulin na matulin na ‘yung grupo,” ani Hernandez, na sumungkit sa kanyang ikalawang sunod na panalo kasama si Union Bell.

Ang panalo ni Union Bell na ginawa sa isang minuto at 11 na segundo (23.4, 21.8, 25) ay nagbigay sa Bell Racing Stable ng premyo na P600,000, mula sa suma total na P1,040,000 na handog ng Philracom.

Tinanggap ni Union Bell owner Elmer de Leon ng Bell Racing Stable ang tropeo mula kina Philracom Commissioner Reli de Leon, Philippine Racing Club Inc. manager Oyet Alcasid at club handicapper Donnie Selda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy