Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P6.8M shabu nasabat sa QC

0 46

Umabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kinasang buy-bust operation sa Quezon City kamakalawa.

Ayon sa PDEA, nahuli sa operasyon ang isang drug personality na miyembro diumano ng sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga sa lungsod. Sumailalim ang suspek sa surveillance bago sinagawa ang operasyon sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Nabatid na pa na karaniwang parokyano ng suspek ang mga tricycle driver sa nasabing lugar.

Sa ulat, nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa suspek alas-11:00 ng gabi at dito na nakumpiska sa suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa kahon.

Dahil dito, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. (Riz Dominguez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.