Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P6.8M shabu nalambat sa 3 tulak

0 251

Arestado ang tatlong tulak ng iligal na droga makaraang makuha sa kanila ang aabot sa P6.8 milyong halaga ng shau sa buy-bust operation sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Kinilala ng Caloocan Police ang mga suspek na sina Samsodin Rasid, 23; Johaima Jamael, 29; at Manuel Abella, 25, na nahuli alas7:45 ng gabi sa Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod.

Umiskor ang undercover agent ng P90,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang matapos ang transaksyon, dito na pinosasan ang tatlong tulak.

Narekober sa mga ito ang marked money at 1 kilo ng shabu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.