Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P6.5M ecstasy nasamsam ng Customs

0 190

Nasa 6.5 milyong pisong halaga ng mga tabletas ng ecstasy ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Sa ulat ng BOC, itinago ang 3,865 hexagon at skull tablets sa ginawang dalawang bulsa sa package ng mga tarpaulin.

Ang nakumpiskang ‘party drugs’ na mula umano sa Germany ay tinata­yang nasa higit P6.570 milyon ang halaga.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ilegal na droga para sa profiling at pagtugis sa mga nagpasok at tatanggap ng mga ito sa Pilipinas.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act ang mga matutunton na nagpasok ng mga ecstasy tablet sa bansa.

Una nito, noong nakaraang linggo, naaresto ang kumuha ng 100 ecstasy tablet na nakalagay lamang sa isang sobre sa Central Post Office sa Maynila. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.