Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P6.5M ecstasy galing Germany naharang sa NAIA

0 72

Umaabot sa Php 6.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Ayon sa opisyal ng BOC, natuklasan ang laman ng package ng customs examiner makaraang dumaan ito sa x-ray scanning at sa isinagawang physical examination kung saan nakalagay ang 3,865 pirasong ecstasy tablet mula Germany.

Napag-alaman na ang nasabing package ay idineklarang ground shits, kung saan nakasingit sa loob nito ang mga party drugs na naka-consign naman sa isang Mary Grace Vergara, taga-52 Sto. Niño Viejo San Fernando Pampanga na padala naman ng isang Paul Karl mula Germany.

Pormal ng nai-turn over ng BOC port of NAIA sa NAIA PDEA-IADITG ang nasabat na kargamento para sa karagdagang imbestigasyon. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.