Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P5M shabu sinamsam sa 65-anyos tulak

0 71

Dinakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 65-anyos na babae nang makumpiskahan ng tinatayang aabot sa P5.1 milyong halaga ng shabu Guindulungan, Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si Sittie Omar Luman, taga-Guindulungan, Maguindanao. Dinakip ito dakong alas-singko ng hapon. Nakuha sa kanya ang 15 malalaking sachet ng hinihinalang shabu nang magsagawa ng buy-bust operation sa Notre Dame Ave., Brgy. Rosary Heights, Biyernes ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Tinutugis naman ang isang Lando, na umano’y driver at kasabwat ni Luman makaraang makatakas.

Bago ito, nahuli rin ng PDEA ang isang tulak sa bayan ng Buluan. Nakuha ng mga awtoridad mula kay Jaher Guiapal, 40, ang hinihinalang shabu na aabot sa P136,000 sa Brgy. Poblacion.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.