Una sa Balita

P5M shabu natisod sa airport

By ,
0 248

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 Milyon na tinangkang ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Maj. Jaybee Raul Cometa, ng Xray Inspection Project (XIP), ang pagkakasabat sa nasabing kargamento sa loob ng guitar amplifier ay itinago habang nasa loob ng Federal Express Warehouse noong Hulyo 20.

Sinasabing nang dumaan sa xray monitor ang nasabing kargamento ay napansin na may kakaibang nilalaman ang nasabing amplifier kaya isinailalim sa physical examination ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NAIA.

Sa inisyal na imbestigasyon ay ipadadala sana ang kargamento sa isang Che Che Cruz ng Philippine Electronics, New Zaniga Mandaluyong at naka-consigned sa isang Jerry Yu na may tanggapan sa Shenton Avenue, Banktown, Sidney, Australia.

Nagsasagawa na ng parallel investigation ang BOC-CAIDTF at PDEA upang madakip ang nasabing mga suspek. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More