Una sa Balita

P5M refund sa mga pasahero Grab pinagmulta ng 23M

0 427

BUGBOG-SARADO ang Grab Philippines matapos itong pagmultahin kahapon ng Philippine Competition Commission (PCC) ng P23.45 milyon at pag-refund sa mga pasahero nito ng may P5 million dahil sa sobrang panini­ngil.

“The PCC has resolved to impose a total fine of P23.45 million­ on Grab for breaching its pricing commitments during the first to third quarters of the initial undertaking,” ayon sa statement ng antitrust watchdog.

Saklaw ng multa ay ang P11.3 milyon sa first quarter, P7.1 million sa second quarter, at P5.05 million sa third quarter.

“The disgorgement mechanism shall be applied on the third quarter fine that will kick off the refund of P5.05 million to affected­ grab riders,” ayon sa PCC.

Hindi ito ang unang beses na nagpataw ng multa ang PCC sa Grab dahil pinagmulta na ito ng P6.5 milyon noong Enero nga­yong taon dahil sa pagsusumite ng ma­ling datos. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy