Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P5K bill ibibigay sa Lapu-Lapu City turista

0 146

Pinaplano ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan ang pagbibigay ng P5,000 commemorative bill na ginawa bilang pagpupugay kay Datu Lapulapu, sa mga turista na dadalo sa ika-500 anibersaryo ng Victory at Mactan sa Abril.

Si Lapulapu ang kinokonsiderang unang bayani ng bansa matapos matalo ang mga kastila na pinamumunuan ni Ferdinand Magellan sa tinaguriang Battle of Mactan noong 1521.

Ayon kay Chan, nakapagpareserba na ito ng 200 banknote sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nabatid na nag-imprenta lang ng 1,000 piraso ng nasabing P5,000 bill ang BSP.

Iprinisenta ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap ni National Quincentennial Committee Chairperson at Executive Secretary Salvador Medialdea. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.