Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P5K ayuda sa 200,000 apektado ng alert level 3 kasado na

0 163

Malapit nang matapos ang guideline para sa financial assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang naapektuhan ng alert level 3.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa susunod na linggo ay makapag-apply na ang mga empleyado para sa nasabing ayuda.

“Fina-finalize na ‘yong guidelines dito. Siguro po sa susunod na linggo ay mailalabas na natin para makapag-apply na ‘yong mga manggagawa,” sambit ni Benavidez.

Ayon sa DOLE, aabot sa 200,000 manggagawa sa formal sector ang maaambunan ng cash aid na aabot sa P5,000 kada tao.

Ani Benavidez maaaring mag-apply online o kaya’y magtungo sa opisina ng DOLE para makasama sa mabibigyan ng ayuda.

Prayoridad sa tulong pinansiyal ang mga natanggal na empleyado o mga walang duty dahil pansamantalang sarado ang kanilang kompanya. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.