Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P56B na nalugi sa mga magsasaka ng palay

0 130

Maaaring umabot na sa P56 bilyon ang nalugi sa mga magsasaka simula ng ipatupad ang Rice Tariffication Law (RTL) noong 2019 na nagpabaha ng mga imported na bigas sa bansa.

Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), P15,000 ang nawawalang kita sa mga nagsasaka ng bigas sa bawat hektaryang kanilang sinasaka kada taon dahil P1.80 per kilo na ang binagsak sa presyo ng palay simula ng pinatupad ang RTL.

Sabi ni FFF national manager Raul Montemayor, kulang na at huli pa ang pinaplano ng Department of Agriculture na P5,000 ayuda para sa 1.56 milyong magsasaka na ang mga palayan ay dalawang hektarya ang laki o mas maliit pa.

Sa ilalim ng RTL, ilalaan dapat ng Kongreso sa mga mga magsasaka ang taripang kinokolekta sa imported rice na lalampas sa P10 bilyon.

Sabi ni Montemayor, muli na namang bumubulusok ang presyo ng palay.

Mas lumala umano ang pagbagsak ng presyo ng palay ngayon dahil sa dami ng inaangkat na bigas sa mga nakaraang buwan at nakadagdag pa ang pagbulusok ng halaga ng bigas sa pandaigdigang pamilihan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.