Una sa Balita

P55K shabu nasabat, 2 bumulagta sa Laguna buy-bust

0 312

DALAWA pang drug personality ang humabol sa talaan ng mga nasawi matapos manlaban umano sa mga awtoridad sa buy-bust sa Biñan City, Laguna Biyernes nang mada­ling-araw.

Kinilala ang mga pinakahuling napatay na sina Renz Duran Avila at Anthony Carait na kapwa ideneklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Biñan City Police, sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek nang dumating sa lugar ng transaksyon sa Saint Francis 12 Village, Brgy. San Atonio, alas-3:52, subalit nauwi sa engkuwentro ang pangyayari matapos paputukan ng mga ito ang mga operatiba.

Samantala, nasa P55,000 na halaga naman ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang iba pang pusher na naaresto sa iba pang operasyon.

Nakuha sa suspek na si Artemio Hapa Jr., 39, ang P25,000 na halaga ng shabu habang nasabat naman kay Eric Francisco, 41, ang P30,000.

Dinala na ang mga naaresto at mga ebidensya sa PNP Regional Crime Laboratory Office para sa pagsusuri at inihahanda na rin ng Biñan Police ang kasong isasampa laban sa dalawa. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy