Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P54M nasabat sa 2 tulak

0 136

Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga habang mahigit P54 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa mga ito sa buy bust operation kamakalawa sa Taguig City.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Southern Police District Director ang mga suspek na sina Marisa Asi, 34, at Muslimin Kamid, 32, kapwa taga-Barangay. Maharlika, Taguig City.

Ayon kay Macaraeg, nadakip ang dalawa alas-11:15 ng gabi sa buy-bust operation.

Unang nakuha sa kanila ang 25 gramo ng shabu na P170K ang halaga habang 8 plastic pack na may nakasulat na Chinese characters na tumitimbang ng 8-kilong shabu at P54M ang halaga ang nakuha pa sa Block 128 Lot 4 Barangay Maharlika, Taguig.

Nakuha din ng pulisya sa mga suspek ang marked at boodle money na ginamit sa buy-bust.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga ito sa SPD Drug Enforcement Unit detention cell. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.