Una sa Balita

P520M ayuda ng US para sa counter-terrorism facility sa Cavite

0 286

NAKAHANDANG magkaloob ng pinansiyal na tulong na P520 mil­yon ang US government sa Philippine National Police (PNP) para sa konstruksyon ng isang counter-terrorism facility sa Cavite.

Nabatid na lumagda ng isang memorandum of understanding si Philippine National Police chief General Oscar Albayalde at US Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy sa Maynila para sa P520 milyong konstruksyon ng counter-terrorism facility para mapalawak pa ang kakayahan ng PNP sa pagpuksa sa terorismo.

Nabatid na P350 milyon ang inilaan para sa training facility na isasagawa sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.

Sinabi ni Albayalde na ang inis­yatibo ay bahagi ng pagsusumikap na mapalawak pa ang PHL-US partnership laban sa terorismo.

Iminungkahi rin ni Albayalde na limang batalyon ng PNP Special Action Force ang unang batch na isasailalim sa counter-terrorism training ng pasilidad.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy