Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P50M Ultra Lotto sinolo ng taga-Calbayog

0 216

Solong napanalunan ng isang mananaya mula sa Calbayog City, Samar ang halos P49 milyon jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola Martes ng gabi.

Sa abiso kahapon ni PCSO General Manager Royina Garma, nakuha ng suwerteng mananaya ang anim na winning number na 05-38-09-20-24-17 na may kabuuang premyong P49.5 milyon.

Nabili ang ticket sa Calbayog City, Samar ayon pa sa ulat ng PCSO.

Upang makuha ang premyo, kinakailangan lamang na magtungo ang suwerteng mananaya sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID gayundin ang napanalnang ticket. (Edwin Balasa/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.