Una sa Balita

P50K suweldo ng mga volunteer doctor posible

0 430

Posibleng ipagkaloob din ang P50,000 suweldo sa mga volunteer doctor tulad ng entry-level salary grade ng mga doktor sa gobyerno.

Ito ang sinabi ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Go Yap, chairman ng House committee on Appropriations, matapos kuyugin ang Department of Health (DOH) sa rekomendasyon na bayaran lamang ng P500 kada araw ang mga volunteer doctor at nurse.

Ayon kay Yap, handa ang Kamara na ipagkaloob ang karampatang sahod sa mga volunteer doctor dahil sa kinakapos tayo ng frontliner sa paglaban sa coronavirus disease.

Aniya, maaari silang maglaan ng P40 milyon para sa suweldo ng mga volunteer doctor at nars.

“Kami po, willing po kaming ibigay yun dahil sa totoo lang ngayon, parang giyera to eh. Pagka naging volunteer ka, hindi puwedeng sabihin na volunteer ka lang, extra lang yung trabaho mo,” ayon pa sa kongresista.

Binanggit pa ni Yap na maaari rin kunin sa P275 bilyong stimilus package na inaprobahan ng Kongreso, ang pondo sa pasuweldo ng mga volunteer health worker.

Sa huling bilang noong Sabado, umabot na sa 593 health warrior ang pumayag na magpadestino sa 3 government hospital na tinalagang pagdadalhan ng mga pasyente ng COVID.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More