Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P50K pabuya sa barangay na walang COVID case

0 168

Tatanggap ng P50,000 pabuya ang mga barangay sa Iloilo City na walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong Disyembre, ayon kay Mayor Jerry Treñas.

“This is to inspire city barangays to protect their communities,” ayon kay Treñas.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa alkalde, bahagi ito ng pagbibigay ng motibasyon sa mga barangay sa paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo, na magagamit din umano bilang tulong sa pagpapalakas ng kanilang tugon sa pandemya.

Makikipagtulungan umano ang lokal na pamahalaan sa Department of Health upang maberipika ang mga barangay na nagtala ng zero case sa katapusan ng Disyembre bago nila makuha ang kanilang pabuya.

Ang Iloilo ay may 180 barangay, 109 sa mga ito ay nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.