Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P500K pabuya vs utak sa Pagbilao ex-mayor ambush

0 199

Nag-alok ng P500,000 pabuya ang pamilya ni dating Pagbilao, Quezon mayor Romeo Portes na nakaligtas sa pananambang sa kanya.

“Sa tulong ng mga kaibigan, kamag-anak, nakalikom po kami ng halagang kalahating milyong piso na laan naming ibigay bilang pabuya sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkahuli ng nagplano at nagsagawa ng krimeng ito laban sa aming ama,” pahayag ni incumbent Mayor Shierre Ann Portes–Palicpic, anak ng dating alkalde, sa social media post nito.

SM food to go Banner Ad

Maaaring ipagbigay ang nalalamang impormasyon sa mga numerong 09203546596, ayon sa alkalde.

Nitong Nobyembre 24, pinagbabaril ang si Portes habang nasa harapan ng kanilang gusali sa Brgy, Bukal. Agad tumakas ang suspek at kasabwat nito sakaya ng motorsiklo. Dalawang araw makalipas ang krimen, isang motorsiklo ang natagpuang abandonado tatlong kilometro mula sa crime scene.

Nasa stable nang kondisyon ang dating alkalde. Bumuo na ng special task force ang Quezon Police Provincial Office para maresolba ang pananambang sa dating alkalde.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.