Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P500K pabuya sa tipster ng namaril sa ex-Pagbilao mayor

0 146

Handang magbigay ng kalahating milyong piso ang pamilya ni ex-Pagbilao, Quezon mayor Romeo Portes para mahuli ang namaril dito.

Sa video message ng anak ni Portes, sinabi nito na nakalikom sila ng P500,000 para ibayad sa sinumang tipster na may impormasyon sa nagtangkang pumatay sa kanyang ama.

“Sa tulong ng mga kaibigan, kamag-anak, nakalikom po kami ng halagang kalahating milyong piso na laan naming ibigay bilang pabuya sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkahuli ng nagplano at nagsagawa ng krimeng ito laban sa aming ama,” saad ng anak ng dating alkalde.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binaril si Portes noong November 24 habang nasa loob ng gusali sa Barangay Bukal.

Naaktuhan sa CCTV footage na tumigil ang isang motorsiklo sa harap ng gusali at bumaba ang backride at naglakad palapit sa nakaupong biktima.

Nang halos isang metro na lamang ang layo, bigla itong bumunot ng maiksing baril at dalawang beses na pinaputukan ang dating mayor at saka mabilis na umangkas uli sa naghihintay na motorsiklo.

Nagtamo ng sugat si Portes at maayos na ang kalagayan nito. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.