Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P500K allowance ni Greta kay Claudine napurnada – Ogie Diaz

0 817

Nilantad ni Ogie Diaz na makatatanggap pala sana ng P500,000 kada buwan si Claudine Barretto mula sa kanyang ate na si Gretchen Barretto.

Sa latest vlog ng sikat na talent manager, sinabi nito na hindi lang daw nasunod ang ilang kagustuhan ni Gretchen kaya nabulilyaso ang sustento nito sa kanyang kapatid.

“Merong nag-chika sa akin, dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na raw ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod yung gustong mangyari ni Gretchen,” sey ni Ogie.

Dagdag pa ni Ogie, may kondisyon daw kasing binigay si Gretchen kay Claudine, ngunit tila hindi raw ata ito nagawa ng nakababatang Barretto.

“Kaya lang, parang hindi ata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang yung supposedly eh P500,000 a month na suporta nitong si Gretchen kay Claudine,” spluk pa ni Ogie.

Dineny naman ni Ogie na ang dahilan ng pag-atras ni Gretchen sa suporta ay dahil sa pagkakabati ni Claudine kay Marjorie Barretto.

Isa pa sa tinitingnan kaya hindi natuloy ang P500,000 allowance per month ay dahil sa tangkang pagpasok ni Claudine sa politika. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.