Una sa Balita

P50,000 pabuya sa pumatay sa bank employee

By
0 630

Magbibigay ng P50,000 pabuya ang pamilya ng pinatay na division chief ng Land Bank of the Phi­lippines para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroronan ng da­lawang suspek na riding in tandem na bumaril at nakapatay sa una noong Setyembre 6 ng alas-9:10 nang gabi sa CM Recto Ave. malapit sa kanto ng San Sebastian, Quiapo, Maynila.

Sa kabila ng CCTV footage, hindi pa matukoy ang mga suspek na pumatay sa biktimang si Almeric Carlo Aldaba, 49-anyos.

Sa ginanap na presscon sa Manila Police District (MPD) headquarters, sinabi ni Homicide Section Chief Police Insp. Rommel Anicete, na tinitingnan motibo ng pulisya ang posibleng pagnanakaw at personal na galit sa biktima na maaaring may kinalaman sa trabaho nito bilang division chief ng Land Bank.

Aniya, gawain ng isang professional killer ang pagpatay kay Aldaba dahil planadong-planado ang pagpatay sa biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy